I miss everythin' that reminds me of Pinas...
Miss ko na yung mga pagkaing ubod ng sarap...
Pancakes,puto't kutsinta, binignit, pansit, kalamay,
at maja blanca nila tita...
...Yung ever patok na patok na inun-unan ni lola,the
best talaga...lalu pa't may kasamang ginamos (bagoong), home made
na gawa niya...pati yung timpla niya ng atsara,
matatakam ka...
Miss ko na yung mga panahon na namumunga yung mga puno ng
mangga...Sabay ipapa-karboro lahat, wait lang na mahinog
while nakatambak sa bodega...
Yung magpapa-akyat ng buko tapos parang may buko salad
fiesta...Yung iba, i-she-shake ni Uncle John2x, yung iba
diretso lafang na...Pati yung mga tambis, langka, mga sari-saring gulay at iba pa.
Miss ko na yung mga payo sa akin nila tito at tita...
"Oh, Marichris, 'wag kang mag-aasawa ng maaga ha?"
Mabuti na lang at ako'y beinte kwatro na...
Atleast napangatawanan ko ang pangako ko dati kay mama.
Ang problema lang ngayon, mukhang ako'y tatanda na lamang na dalaga.
Hindi naman ako pihikan pero ewan ko nga ba...
Sadyang mailap sa akin ang tadhana...
Puso ko'y marunong namang umibig pero bakit kay lamig nitong nadarama.
Buti na lang at andyan ang mga "super friends" ko...
Kahit na madalas ay napagkakaisahan nila ako.
Kung sa pang ookray at pang-gu-goodtime lagi akong talo,
Dun sila magagaling...buti na lng sanay na ako.
Miss ko na yung mga katropa ko nung high school...nung college...at mga workmates ko dati...
Mga taong naging parte ng buhay ko...mga taong ngbigay sakin ng inspirasyon...
Mga kaibigan sa hinaba man o inikli ng panahaon...
Yung mga dumamay sa hirap man o saya, sa mali man o tama, sa
kalokohan at kulitan.
Mga super friends sa CHS, ZSNHS pati narin nung nsa Dominican pa ako.
salamat sa Facebook, nahanap ko pa yung ibang mga ex-classmates ko kahit na nung elementary pa...
Yung mga school buddies ko sa MU...na kahit yung iba lumipat na nga Medina...
Yung mga workmates sa first job ko sa SCC, pati narin mga students ko
(na I hope naman, eh nakagraduate na).
Mga kaibigan at close friends from Borbon Hospital...yung isa, kumare ko pa!
Mga naging officemates ko sa first call center job ko sa Suth, mga ka-level na virgin pa sa ganung larangan kami nagka-sama-sama.
Mga taong naging malaki ang impluwensya sa buhay ko...mga friends sa Manila hanggang Baguio.
Kung saan pa mang dako ako napadpad sa paghahanap ng kapalaran ko...
Ayun at may nagiging kapalagayang loob ako ng husto.
Ending ngayon, heto ako't nasa ibang dako ng mundo...
Although, 3 hours mahigit lang naman ang byahe, hindi ganun ka-simple ang lahat...ayaw kong sumuko.
Ang buhay natin, kailangan ng kaunting sakripisyo, upang makamtan ang minimithing pag-asenso
At nang makaranas ng ginhawa at kaunting luho.
Miss ko na mga dabarkads na maya't maya nangungulit... Text dito, text dun...call dito, call dun...chat dito, chat dun... hayzzzz...
Nakakalungkot isipin na kay haba na pala ng mga taong lumipas.
Parang kailan lang, noong ngsisimula pa lang akong tuparin ang mga pangarap ko...
Fortunately, I'm a step advance towards fulfilling my goals...
But I know, I can give better than my best ...I can achieve more...soon.
Naiisip ko tuloy, kailan ulit ako makakauwi sa probinsya?
Nakakalungkot talaga kasi malayo pa rin ako...kahit na ba dito lang sa Malaysia.
Kung sana maka-ipon kahit pamasahe at konting pasalubong sa buong pamilya...
I'll keep my fingers crossed...sana kahit sa Pasko, makapiling ko sila.
Emo na naman ako dito...Aigoo...
MISHU ALL!!! =(
No comments:
Post a Comment